Now Playing Tracks

There’s no easy way to break somebody’s heart.

Paano mo nga ba sasabihin sa taong sobrang mahal ka, na hanggang kaibigan lang ang turing mo sa kanya? May tama bang paraan sa pag turn down? Ang hirap diba?

” I held her close to me
Coz I know she breaks so easily
And then I told her
Though I knew no matter how I tried to console her
Then she’d do the best she could
But there are times the best is no damn good
And no matter how you try to be kind
There’s always still a part of you you’ll leave behind
When they fall apart
There’s no easy way to break somebody’s heart.

I lied and told her she’ll be fine
Though we both knew it was just a lie
I had to do it
Coz I had said anything to help me get through it.
And she reached out for my hand
And her simple touch was more than I could stand
And I had to turn away coz I knew
All the hurt that she was feeling, I was feeling too
When they fall apart
There’s no easy way to break somebody’s heart.

She could’ve gotten angry
And made me feel like a guilty child
But I realized that never was her style
I wanted her to hurt me
And not treat me like a friend
I wanted her to say “there’d be someday
I’d come crawling on my knees to ask her back again”
But she acted like a lady till the end
Oh, what a lady!

I thought that she’d bring down
But she smiled at me and never made a sound
And I guess she understood in her way
Coz her silence told me everything she could not say
When they fall apart
There’s easy way to break
There’s just no easy way
There’s no easy way to break somebody’s heart… “

Definitely, wala talagang “easy way” to turn down someone who loves you.

At one point in your life, kakailanganin mo din “i-break” ang “heart” ng isang tao kahit na di mo gustuhin. Nature na kasi yan e. Hindi naman lahat ng may gusto sayo, gusto mo rin. At hindi rin naman lahat ng gusto mo, gusto ka rin. Fair naman diba?

Sa totoo lang, di ko rin alam kung paano ba dapat i-turn down ang isang tao. Pero isa lang ang sigurado, mas mabuti nang sabihin mo agad at diretso kesa hayaan mo pa siya na lalong mahulog sayo bago mo sabihin dahil mas masakit yun.

Nakakalungkot isipin na may isang tao kang nasasaktan nang hindi mo naman sinasadya. Pero mas okay na yung sabihin mo agad at diretso para hindi na siya mas masaktan. It will all get better in time.

Today, Unintentionally, I broke someone’s heart. Let’s not go into details but He’s a great guy. Napakabait. Gusto niya palagi akong masaya. He respects me and my decisions. I like him a lot.. but only as a friend. Alam ko na nasasaktan ko siya pero para din naman to sa ikabubuti ng lahat. I hope one day we can still be friends.

” He could’ve gotten angry and made me feel like a guilty child, but I realized that never was his style.. I wanted him to hurt me and not treat me like a friend. But he acted like a man till the end..” -ANNEbreakable.

Appreciation.

Appreciation
n.
1. Recognition of the quality, value, significance, or magnitude of people and things.
2. A judgment or opinion, especially a favorable one.
3. An expression of gratitude.
4. Awareness or delicate perception, especially of aesthetic qualities or values.
5. A rise in value or price, especially over time.

Yan ang ilan sa mga definition ng “Appreciation” mula sa dictionary. Pero para sakin, higit pa to sa expression of gratitude, sa recognition, sa judgment or opinion dahil para sakin, isa itong expression ng love. :)

Hindi mo man directly sinasabi na mahal mo ang isang tao, sa pag appreciate pa lang sa kanya at sa lahat ng ginagawa niya para sayo, act of love na yun. Di man ibig sabihin nun na romantic love, at least love mo yung tao na yun.

Minsan kasi, appreciation lang ang kailangan ng isang taong nagmamahal. Ako, personally, yan lang naman ang hinahangad ko. Yun bang ma appreciate niya yung existence ko, yung effort ko at higit sa lahat yung pagmamahal ko sa kanya..

Iba kasi sa pakiramdam na naa appreciate ng taong mahal mo lahat ng ginagawa mo para sa kanya. Di mo naman kailangan na suklian, pantayan or higitan niya yung effort mo e, kailangan mo lang ng appreciation. :)

“Minsan, appreciation lang ang kailangan ng isang taong nagmamahal” - ANNEbreakable. <3

It’s sad to belong to someone else when the right one comes along.

Paano kung ma meet mo si mr. or ms. right sa pagkakataong may girlfriend o boyfriend ka na?

” Met you on a springtime day
You were minding you life
And I was minding mine, too

Lady, when you looked my way
I had a strange sensation
And darling, that’s when I knew

That it’s sad to belong to someone else
When the right one comes along
Yes, it’s sad to belong to someone else
When the right one comes along

Oh, I wake up in the night
And I reach beside me
Hoping you will be there

But instead I find someone
Who believed in me when I said
“I’d always care”

Oh, it’s sad to belong to someone else
When the right one comes along
Yes, it’s sad to belong to someone else
When the right one comes along

So I live my life in a dreamworld
For the rest of my days
Just you and me walking hand in hand
In a wishful memory
Oh, I guess that’s all
That it would ever be

Wish I had a time machine
I could make myself go back
Until the day I was born
And I would live my life again
And rearrange it so that I’d be
Yours from the womb

Oh, it’s sad to belong to someone else
When the right one comes along
Yes, it’s sad to belong to someone else
When the right one comes along”

Ano nga ba ang dapat gawin kung nasa ganitong sitwasyon ka? Ang hirap diba? Mas pipiliin mo bang hiwalayan ang girlfriend o boyfriend mo dahil na meet mo si “right one” kahit na di ka naman sigurado na pipiliin ka din niya??

Basta ako, ang masasabi ko lang is gawin mo kung ano yung tama. At lalong gawin mo kung ano yung makakabuti para sa lahat.

Hindi lahat ng bagay kaya nating ipaliwanag.. Pero simple lang naman ang buhay e. Ginagawa lang talaga nating komplikado. Wag tayong magpapadikta sa mga sinasabi ng ibang tao.. E ano ngayon kung sabihan ka nila na ganito ka, na ganyan ka? In the end, it’s not between you and them, it’s between you and GOD.

Kung ano man ang magiging desisyon mo, panindigan mo yun. And i’m sure, magiging maayos din ang lahat sa huli. Kung di pa ayos, ibig sabihin di pa huli. :)

Stop the hate. Spread the love. <3

An open letter to the man I love.

My love, I want to say to the world that I love you but i’m scared. Scared that i’ll only lose you if ever. I would give anything just to see you smile, even if i’m not a part of that happiness. I love you so much that it hurts. It hurts not being able to say how I feel. It hurts not being able to show affection. It hurts not being able to love you openly.

I love you. I really do. People may or may not believe me but it’s true. You may not even believe me but I tell you, I love you. You inspire me to be a better person. I look up to you so much. You’re a great guy. Some people don’t see you that way but I do. You’re very kind and passionate. You’re very generous in sharing your knowledge. You goof around most of the time but you know your limitations. I’m proud of what you have become ever since I met you.

Thank you for being kind to me. Even though you ignore me most of the time, at least you were kind. I’m not sure if you know how I feel for you. But I think you know..

I don’t love you because you’re handsome or cute or good looking. I don’t love you  because you’re smart. I don’t love you because you’re funny or witty. I love you. No further explanation needed. I love you because I love you. That’s it.

I miss those times when you used to greet me first cause nowadays you ignore me most of the time.. It’s kinda sad. But I still feel thankful because at least you still talk to me and you’re still kind to me.

Thank you for being my inspiration, my motivation, my strength, my driving force, my idol, my mentor, my crush and of course my love. I honestly love you.

“Higit ka pa sa isang libong bagay na kayang tanggihan ng isang tulad ko.” - JLC.

Just this Monday, my Lola passed away. Wala naman siyang sakit e. It’s just old age. Yung katawan na mismo niya yung sumuko. Palagi niya pinagdadasal na kunin na siya ni Lord kasi hirap na siya. Di na siya makabangon.. Kaya nagpapasalamat na din kami kasi at least ngayon hindi na siya nahihirapan at magkasama na sila ni Tatang.

Last thursday, inilibing si Lola sa Pampanga. That was the only time that I cried. When I found out about her death, nalungkot ako sobra pero di ako umiyak.. Nung nililibing na siya, lahat kami umiiyak. Naaawa ako sa Mama ko kasi alam ko na sobrang malungkot siya at alam ko din na medyo nakokonsensya siya dahil hindi niya gaanong naalagaan si Lola kasi nga dito siya nakatira.. Hindi kami madalas na nakakauwi sa Pampanga kasi magastos talaga. At medyo hirap kami.

Hindi kami super close ng Lola ko pero sa tuwing uuwi kami sa Pampanga, siya yung unang sumasalubong sa amin at talagang sobrang saya niya kapag umuuwi kami. Sobrang mamimiss ko yun. Nalulungkot ako pero alam ko na it’s time to let her go. Alam ko naman na mas masaya siya kung nasaan man siya. At alam ko din na binabantayan nila kami, silang dalawa ni Tatang..

We love you Ma. Till we meet again.

RIP Eladia G. Maglanque
May 8, 1920 - April 8, 2013 

Quick Tips for Good Time Management

onlinecounsellingcollege:

1. Create a daily ‘to do’ list.

2. List goals and set priorities.

3. Do ‘A’s’ first (Most important things).

4. Do it now.

5. Ask yourself “What is the best use of my time right now?”

6. Be realistic: New habits take time to develop.

7. Reward yourself for small steps of progress towards your goals each week.

Source: http://www.schools.nsw.edu.au/gotoschool/highschool/priorities.php

Choice.

Maraning nag sasabi na our choices in life define us. In simple terms, kung ano at sino ka ngayon ay dahil sa choices mo.

Pag gising mo pa lang sa umaga, choice mo na kung babangon ka ba or matutulog ulit. Choice mo rin na kumain dahil gutom ka. Pati pag ligo, choice mo din yun. Pero bakit minsan umaabot tayo sa point ng buhay natin na nakakagawa tayo ng mga bagay na labag sa loob natin simply because we don’t have a choice. Do you believe in that?

As what my Values and Group Dynamics Professor Ma’am Mina would always say, “We always have a choice.” And I agree with her.

Sometimes God puts you into situations na hindi mo alam kung anong dapat gawin. But the bottomline is you have to choose. Pag may nagsabi sayo na ginawa niya ang isang bagay dahil wala siyang choice, di totoo yun. Ang totoo, yun talaga ang pinili niyang gawin. Choice niya yun.

It’s true na hindi madaling mamili but you have to make a choice. Kasi that’s how it was made. Every now and then, a choice has to be made.

Love is a choice.
Happiness is a choice.
Forgiveness is a choice.
Trust is a choice.

Kaya ako, pinipili kong magmahal, maging masaya, magpatawad at magtiwala. Yun ang choice ko. Ikaw, anong choice mo?

Bakit nga ba Single ka?

Marahil ay karamihan sa atin ang walang nobyo o nobya sa panahong ito. Madalas wala kang kasabay sa pag uwi. Panis na ang cellphone mo dahil wala ka namang katext. Walang naghahatid at sumusundo sayo. Wala kang valentines date. Walang nagbibigay ng regalo. Walang ka holding hands. Walang kasama manood ng sine. Walang kasabay kumain. In short, Single.

Ano nga ba ang rason sa likod nito? Maganda or gwapo ka naman. Mabait. Masipag. Matalino. Maalaga. Maasikaso. May takot sa diyos. Family oriented. Alam ang priorities. Responsable. Maaasahan. Independent. Mapagbigay. At kung ano ano pang qualities na meron ka. Pero bakit Single ka?

Una, siguro kasi super duper ultra mega to the highest level strict ang parents mo. Yung kulang na lang may bodyguard ka na kasama kahit san ka magpunta. Yung kahit college ka na, hatid sundo ka pa rin. Yung di ka pinapayagan na lumabas with your friends. Yung after school diretso agad sa bahay, ma late ka lang 1 minute, nagagalit na agad. Yung kailangan 1 month bago yung lakad mo, magpaalam ka na kasi baka di ka payagan agad (So, mag eemote ka kunwari para maawa at payagan ka.) Ganyan ba ang parents mo? Ganyan kasi ang parents ko. ;)

Pangalawa, siguro kasi na in love ka na noon pero nasaktan ka kaya ayaw mo na muna. Yung niloko ka ng taong mahal mo. Yung pinagpalit ka sa iba. Yung pagkatapos mong ibigay lahat sa kanya nakuha niya pa rin na magmahal ng iba. Yung hindi ka niya kayang ipaglaban. Yung feeling mo na pare pareho lang silang lahat. Ganyan ba ang experience mo? Ganyan kasi ang na experience ko. ;)

Pangatlo, siguro priority mo ang pag aaral or ang pagtulong sa pamilya. Yung mataas ang pangarap mo. Yung tipong gusto mo iahon sa hirap ang pamilya mo. Yung sobra sobra na yung pagmamahal na nararamdaman mo galing sa pamilya mo kaya di ka na naghahanap pa. Yung kuntento ka na sa kung anong meron ka. Yung feeling na dapat suklian mo ang paghihirap at sakripisyo ng pamilya mo para sayo. Yung tipong mas importante sila kesa sa sarili mo. Ganyan ba ang nararamdaman mo? Ganyan din kasi ang nararamdaman ko. ;)

Pang apat, siguro naniniwala ka sa spark, fireworks, magic, slow motion, fairy tale at sa happily ever after at single ka kasi di mo pa naramdaman tong mga to. Yung unang kita mo pa lang sa kanya, parang tumigil yung oras at parang kayong dalawa lang ang tao sa mundo. Yung parang may butterfly sa tiyan mo kapag lalapit siya sayo. Yung di mo maipaliwanag na ngiti sa mga labi mo sa tuwing mababanggit niya yung pangalan mo. Yung to the highest level yung kilig mo sa tuwing mapapatingin siya sayo. Yung ini imagine mo yung buhay mo kasama siya. Haaayyy. Nakakakilig diba? Pero siguro di mo pa siya natatagpuan kaya single ka. :)

Marami pang posibleng dahilan kung bakit single tayo pero isa lang ang sigurado, lahat tayo naghahanap ng pagmamahal. Kesyo nasaktan ka na noon, takot ka, lihim na umiibig, nagpapakatanga, o kung ano pa man, lahat tayo gusto ng isang tao na tunay na magmamahal sa atin, yung kayang ipagsigawan sa buong mundo na mahal ka niya, yung kahit mahirap ka pakisamahan, sasamahan at sasamahan ka pa rin niya, yung kahit nakakaasar yung kakulitan mo makikipagkulitan pa rin siya sayo, yung isang tao na magtatanggol sayo kahit kanino, yung yayakapin ka pag alam niyang malungkot ka, hahawakan yung kamay mo pag alam niyang natatakot ka, yung sasamahan ka na gawin yung mga bagay na gusto mo kahit di naman niya gusto yun, yung di niya matiis na magkagalit kayo, yung kahit ikaw ang may kasalanan siya pa rin ang susuyo sayo, yung taong kahit di kayo magkasama pinapakilig ka pa rin, yung mamahalin ka forever.

Swerte ka kung nakita mo na yung tao na yun. True love is rare but it’s worth it.

Kaya kung nakita mo na yung tao na yun, wag mo na siyang pakawalan pa. Alagaan mo siya, pagkatiwalaan at mahalin. Don’t be afraid to get hurt. Kasama yun sa pagmamahal. Dun tayo matututo. Kaya pag nagmahal ka, give it your all (Pero syempre magtira ka para sa sarili mo). Para kung hindi man mag work, wala kang regrets sa huli kasi binigay mo lahat ng effort mo. Di lang siguro meant to be. :)

So, i’ll end this by saying na okay lang maghintay ng matagal kung di mo pa talaga nakikita yung tao na yun pero wag mo din pigilan ang sarili mo sa mga bagay na magpapasaya sayo. If it makes you happy, do it. Basta ba paninindigan mo e. Masaya maging single, pero mas masaya yung may partner. :)

Paano mag review ang isang Anne Empaynado?

Hmm. Serious question. Paano ka mag review? Iba iba talaga ang way ng pag rereview diba? Eto yung saken. :)

1. I eat chocolates habang nag rereview. Specifically Lala! Haha. Paborito ko yun. Or pag di ako nakabili ng Lala, papapakin ko na lang yung Milo. Ang sarap! Hahaha. Oh diba nabusog ka na, nakapag review ka pa.

2. Hindi ako nag mememorize. Though i’m quite good pagdating sa memorization, di ko siya ina apply sa pag rereview. I just read and read and read and read and read.

3. Comprehension. Medyo magaling ako sa comprehension kaya mabilis ako mag review. Minsan kasi isang basa ko pa lang gets ko na agad kaya ayun. Pero syempre inuulit ulit ko pa rin ng basa. ;)

4. Hindi ako nag rereview sa Library. I tried last last sem pero fail. Nakakapressure lang sa loob ng library. At para bang walang punapasok sa utak ko dahil nakatuon ang pansin ko sa ibang mga tao na nag rereview. Divided attention.

5. Pag paborito ko ang subject, asahan mong 1 week before the exam nakapag review na ako. At uulitin ko pa yun everyday. Bias ako e. :)

6. Pag di ko gusto ang subject wala akong gana mag review. Susubukan kong magbasa pero wala ring papasok sa utak ko kaya dun na papasok si batman, si superman, si spiderman at kung sino sino pang superhero. Pero may bago ako. SI LORD! Bahala na si LORD!! :)

7. I read and explain to myself. Binabasa ko at pinapaliwanag sa sarili ko nang paulit ulit hanggang sa matandaan ko. Kaya medyo maingay ako at hindi pwede sa library. :)

8. Di ako nag rereview pag gutom at inaantok. Wala din kasing papasok sa utak ko pag gutom ako at lalo na pag inaantok ako. Kung gutom, edi kumain muna. Kung inaantok, matulog muna.

9. Di rin ako naniniwala sa cramming. Minsan sinubukan ko na mag review 30 minutes after the exam. May natandaan naman ako pero hindi lahat. Mas prefer ko na mag relax na lang pag malapit na yung exam. Nakikinig na lang ako ng music at nakaupo na ko sa upuan ko. Chill. :)

10. Umaasa din ako sa choices. Kahit naman kasi hindi mo maalala yung exact na sagot pero pag nakita mo na yung choices, alam mo na agad kung ano dun yung tamang sagot. E paano pag walang choices? HAHA. Edi hulaan mo pag di mo alam. Better na maka zero ka kesa mangopya ka. Remember that. :)

11. Hindi ako nag susulat during lecture. Nakikinig lang ako. May handouts naman e. Haha. Or minsan binibigay yung kopya ng powerpoint. Dun ako mag rereview.

12. Nag fafacebook at twitter pa rin ako kahit exam week. Pag kasi tinigil ko yun baka mabaliw ako. Nakaka burn out kasi yung puro review lang. Nakakastress. Break ko na yung pag fb at twitter.

13. Minsan, hindi ako nag rereview. As in, wala. Stock knowledge lang. Minsan bumabagsak pero madalas namang nakakapasa. Kung common sense lang yung mga tanong, malamang pasado ako. Pero kung puro facts, yari ako dun.

14. Mag isa ako pag nag rereview. Madaldal kasi akong tao. Pag may kasama ako, malamang di na ko mag review at makipag kwentuhan na lang ako. Mas nakakapag review ako pag mag isa. Proven yun.

15. Pag nagsawa na ko ng kaka review sa isang subject, ibang subject naman aaralin ko. Nakakasawa kasi e, lalo na kung paulit ulit mo nang nirereview. Alternate dapat para may variety. :)

Each has its own. :) I’m not saying that these things may apply to you. Syempre kanya kanya tayo ng ways. Kung ano yung nag work sayo for the past years, yun ang gamitin mo. Hope you find this interesting. Thanks for reading.

-Anne. xx

To Tumblr, Love Pixel Union